ewan ko kung bakit ba ganyan, damdamin ay 'di maintindihan...kailangan ng pagibig mo... dahil sa ako'y nagmamahal sayo... magmula ng kita'y makilala.


Monday, September 25, 2006

Happy Anniversary Nalang Talaga

Grabe talaga.
The one good thing about being able to write here sa States, pero in munila time,
is that,
I can blog for tomorow, today.
So, habang may-i-sleep pa kayo diyan sa munila--
eto naman ako, greeting myself for my anniversary.
its just so funny talaga.

May I digress naman ako--
So to all of my fans, and my mom nga said
that you are out there,
maraming salamat talaga sa mga wishes ninyo sa amin ni Ipe
...este...Alvin...este J.-tinutukan-niya-ako-and-gave-me-an-std-Marquez...I mean ...James Yap, grabe talaga...I mean Tikboy.
I know talaga that its been a rough road...
but with all your masaya thoughts...we're making it naman.

Kaya smile nalang talaga ako.

(btw, this picture was taken in Italy --see leaning tower on the left--
marikina shoe expo italian restaurant, grabe talaga, i'm so funny)

Saturday, September 23, 2006

Hoy!

Saan na kayo?
bakit walang pumapansin sa akin.
na-k-ksp na ako.
well dati pa naman.
oo na.

yung mga anak ko gising pa...gabi na.
ang kulit kulit nila.
(ala onse na)

naka dalawang erbi na rin ako...alang-alang sa...
at isang ambien (ano? nanaman?)

"umarya ka na naman ano!?"

talagang layt vlumer ako.
ngayon lang akong uma-arya.

bakit ba ganyan...
umula't umaraw ay hindi pagsasawaan
ang inyong...katangian...
damdamin ay ibang-iba
kapag kapiling ka
sinta--------

sige,
sayn ops na muna ako.
kurdi

Thursday, September 21, 2006

Marshmallow

Sa ika-u-unlad nag bayan, disiplina ang kailangan.

Tuesday, September 19, 2006

hum-ran

si pareng kulot naka i-score nanaman.
datapwa't ang paghitit ng matapang na abano
ay nakakapag paikot kung minsan ng sinasabing "grey matter",
masmatulis pa rin sa sundang ang kaniyang pag-iisip.

nang maitanong ng mga matatandang kanedyan kung bakit maraming te-puts ang mga napangasawa ng mga taga-kamias, ang mabilis na sagot niya ay:

"nang aking unang nakilala itong mga taga-kamias,
kapansin-pansin ang lawak at laki ng kanilang mundo.
bukod pa ka kanilang lubhang katalinuhan...sila ay bukas puso
sa iba't-ibang klase ng tao. ito ay kahanga hanga."

bagama't kabolahan...magandang p.r. pa rin ito para sa mga taga-kamias.
lalong lalo na ito ay naisagot sa harap ng isang
taga-FORBES park.

Tuesday, September 12, 2006

IKA -11 NG SETYEMBRE

lagi nangu-nguna ang mga pilipino.
ang sayaw na macarena... bago dumating sa america,
sa "eat bulaga"...gasgas na.
yung tamagochi, yugio at kung anu-ano pang laruang ponjaps,
kailan lang dumating.
yung pa-text text sa teleponong de-kodak...
kahapon lang yata na-uso.

kagaya ng petsang ika-11 ng setyembre.
5 taon palang mahalaga sa mga dayuhan ang araw na ito.
samantalang tayo, 89 na taon na mahalaga ang iyang petsa.
sapagka't ang
siyang nagumpisang magwasak ng ating bayan
ay napanganak sa araw na ito.

Thursday, September 07, 2006

Solbd na Gabi

mahirap pala magblag ng bangag.
ngayon ko lang naramdamam eto.
"say mo...doctors ko psychiatrists!!!"
pare...islo--mo---
eeeeashtray...
perteportomekombo...miniminimemoto...
pards ambien lang eto pero parang ...
mahal ko pala kayo.
matigas,
maluha-luha,
kulangturnilyo,
topak/tigas/may-saya
gumuguniguni,
walang kamawang mawang,
tigas/sarado/libs-me-out-op-it,
mahal ko anak ko,
wow,
lahat yata ng tae ninyo na punta sa akin.
sino ang maglilinis nito?
ako?
teka...isa pa nga.
maka-alis na nga.

Sunday, September 03, 2006

yoling

dahil sa nabasa kong blags ni kapatid, nakapagmuni-muni tuloy ako tunkol sa ulan. yamang ding umuulan rin sa labas habang ako'y nagblablag.
ang ulan sa marami ay nagpapahiwatig ng--
-pamumulaklak ng mga halaman at tanim,
-walang pasok ayon sa pag-asa,
-o kaya'y "bed wayder" kung tawagin.
kontra ito sa aking nararamdaman dahil ang ulan ay nagbibigay sa akin ng kalungkutan.
baha, lamok, trapik, sirang kotse ang aking naaalala.
awa ng diyos hindi na tumutulo ang aming bubong.

Wika nga ng isang Jose Rizal (yung tunay ha...hindi yung peke)
"ang hindi makalingon sa kaniyang kinaroonan
ay hindi makakarating sa kaniyang pinupuntahan."

Friday, September 01, 2006

Langonisa o Longanisa

kailangan ba ng kutsarita sa pluteetong sookah
pagkumakain ng langonisa?

ang langonisa ba ay
...nakakapagkinis ng balat?
...nakakapagsigla ng ngipin at buhok?
...nakakapag-ganda ng damit?
...nakakapagtangos ng ilong?

ang kumakain ba ng langonisa ay pawang
...naiinitan?
...agrabyado?
...napapagod?
...abala?

ano ba ang diperensya ng langonisa sa longanisa?

Thursday, August 31, 2006

hindi rin pala "in" yung masyadong payat

si nicole richie, napapag-initan dahil sa kaniyang lubhang kapayatan.
ano ba naman ang pake ng potanginang mundo?
ginugusto kaya niyang mabuto-buto yung itsura niya?
malamang hindi.
sukang suka na ba siya sa kakarinig ng mga taong nagsasabi ng:
"magpataba ka nga!"
"ang payat payat mo"
"may bulati ka ba?"
"'di kita type, sobra kang payatot"
sin duda.

bakit walang hiya ang mga taong mang-insulto sa payat pero
sa mataba, ingat na ingat?
sobra na yatang maswerte yung mga matataba...mayaman na nga
(may pera para kumain ng marami)
at may respeto pa ng madla.