ewan ko kung bakit ba ganyan, damdamin ay 'di maintindihan...kailangan ng pagibig mo... dahil sa ako'y nagmamahal sayo... magmula ng kita'y makilala.


Tuesday, September 12, 2006

IKA -11 NG SETYEMBRE

lagi nangu-nguna ang mga pilipino.
ang sayaw na macarena... bago dumating sa america,
sa "eat bulaga"...gasgas na.
yung tamagochi, yugio at kung anu-ano pang laruang ponjaps,
kailan lang dumating.
yung pa-text text sa teleponong de-kodak...
kahapon lang yata na-uso.

kagaya ng petsang ika-11 ng setyembre.
5 taon palang mahalaga sa mga dayuhan ang araw na ito.
samantalang tayo, 89 na taon na mahalaga ang iyang petsa.
sapagka't ang
siyang nagumpisang magwasak ng ating bayan
ay napanganak sa araw na ito.

3 comments:

Jude said...

pero napansin mo yung ating pagka may amnisya,
potangna si meldy, congresswoman.
si bonbong bobernor
si aymi senador

parabagang ayos lang ang lahat
si ninoy,ver at marai pang iba tepok na.

pero pamilya nila solb parin.
potangna, gawa naman siya ng dayuhan eh!
masamang ala-ala pero ganun yung landas natin.

kaya nga nagpaka asimileyted nalang tayo.

BUWISIIT!!!!

Jose Rizal said...

makatha itong si kurdapya. malalim ang mga pahiwatig.

Jose Rizal said...
This comment has been removed by a blog administrator.