ewan ko kung bakit ba ganyan, damdamin ay 'di maintindihan...kailangan ng pagibig mo... dahil sa ako'y nagmamahal sayo... magmula ng kita'y makilala.


Wednesday, February 14, 2007

'te para sa 'yo


'te,
naaala mo yung itim na kamiseta na ibinili mo para sa akin noong bagong dating ako dito?
($19.99 Express)
salamat.
salamat din na inasawa mo si pareng makalilif, dahil kung alaws ka sa tate,
de hindi lumipat dyan ang ating mga magulang at sakalukuyang naging nene pa ako kahit damatands na
(sa makatuwid, hindi ako nakapag-wild ng husto--at baka hindi ko nabingwit si pareng tikboy)
salamat sa dahil na-una ka (kasama nila), nag ka lakas loob tuloy ako.

kung tutuusin mo, kung hindi dahil sa iyo, baka hindi ako nalagay sa aking kalagayan ngayon.
teka, mabuti ba 'yon?
(dyok onli tikboy)

Ito lang Ang Akin


may sinabi ka sa aking noong pag alis mo noong disyembre.
ang sabi mo, napaka suwerte mo naman sa lahat ng napala mo noong biyahe mo.
para bang naiisip mo na nakakalamang ka na masyado sa relasyong ito.
ito ang aking pakay.

ang oras mo ay napakahalaga.
ginto.
(tingnan mo nalang ang iyong paligid, laging maraming umaaligid para makasawsaw sa iyong oras)
kaya kung maglalagay tayo ng presyo sa halos buong buwan na ibinigay mo sa akin:
-yung sakripisyong nahiwalay ka sa iyong pamilya.
-nakaladkad ka kung saan saan dito.
-nakapag-usap tayo ng masinsinan.
-nakilatis natin ang buhay.
-nabigyan mo ako ng lakas loob.
-nabigyan mo ako ng lubhang kasiyahan.
-tapos hindi pa tayo nag-away--
patas lang tayo.
walang lugi at lamang sa ating pagkakapatid.







sana ganito rin ang mapala nina kika at gabi.