guni guni ni kurdapya

ewan ko kung bakit ba ganyan, damdamin ay 'di maintindihan...kailangan ng pagibig mo... dahil sa ako'y nagmamahal sayo... magmula ng kita'y makilala.


Thursday, July 10, 2008

2008

Matagal tagal akong hindi nakakasulat dito.
gumagana pa ba eto?
mike tes mike tes
naka un ba pa heto?

Wednesday, February 14, 2007

'te para sa 'yo


'te,
naaala mo yung itim na kamiseta na ibinili mo para sa akin noong bagong dating ako dito?
($19.99 Express)
salamat.
salamat din na inasawa mo si pareng makalilif, dahil kung alaws ka sa tate,
de hindi lumipat dyan ang ating mga magulang at sakalukuyang naging nene pa ako kahit damatands na
(sa makatuwid, hindi ako nakapag-wild ng husto--at baka hindi ko nabingwit si pareng tikboy)
salamat sa dahil na-una ka (kasama nila), nag ka lakas loob tuloy ako.

kung tutuusin mo, kung hindi dahil sa iyo, baka hindi ako nalagay sa aking kalagayan ngayon.
teka, mabuti ba 'yon?
(dyok onli tikboy)

Ito lang Ang Akin


may sinabi ka sa aking noong pag alis mo noong disyembre.
ang sabi mo, napaka suwerte mo naman sa lahat ng napala mo noong biyahe mo.
para bang naiisip mo na nakakalamang ka na masyado sa relasyong ito.
ito ang aking pakay.

ang oras mo ay napakahalaga.
ginto.
(tingnan mo nalang ang iyong paligid, laging maraming umaaligid para makasawsaw sa iyong oras)
kaya kung maglalagay tayo ng presyo sa halos buong buwan na ibinigay mo sa akin:
-yung sakripisyong nahiwalay ka sa iyong pamilya.
-nakaladkad ka kung saan saan dito.
-nakapag-usap tayo ng masinsinan.
-nakilatis natin ang buhay.
-nabigyan mo ako ng lakas loob.
-nabigyan mo ako ng lubhang kasiyahan.
-tapos hindi pa tayo nag-away--
patas lang tayo.
walang lugi at lamang sa ating pagkakapatid.







sana ganito rin ang mapala nina kika at gabi.

Tuesday, November 21, 2006

Blag ng isang noyps:


Sa loob ng C.R., walang tao kaya inukupahan ko ang isang stall na walang masyado ilaw. Pagpasok ko at pagupo sa throne, narealize ko walang tissue sa dispenser, meron man, kakaunti mga 3 sheets.

Di ko alam gagawin ko kaya nag-stay nalang ako dun at nag-isip ng next move. Maya-maya, may pumasok, may kausap sa cellphone na parang finnish or armenian ang language. Nang biglang kumalabog pinto ng stall ko. He tried to open the door but to no avail, andoon ako at tahimik na gumagawa ng kabahuan. Umubo nalang ako para malaman nya presence ko.

Paglabas nya, nagkaroon na ng steady stream of people. Sa dami ng sinabi nila at pinagusapan, ira-rank ko nalang, 1 being the highest:

1. (dalawang tao naguusap habang naghuhugas ng kamay.)

"Pare, kumain ka na ba?" "Di pa eh, gutom na nga ako." "Bawal daw magpasok ng pagkain dito dapat yung binili lang sa cinebar." "May dala akong skyflakes, dito nalang natin kainin..."

- at ayun, kumain nga sila.


2.

"T*ng I*a naman! T*ng I*a naman!T*ng I*a naman!"

- parang di-nashoot sa urinal yung ihi nya or naihi sa pants kasi narinig ko tumutulo sa floor yung ihi nya.


3. (Habang may kausap sa cellphone.)

"Bhe, dito pa ako office, susunduin kita maya... Oo. Di ko kasama, umuwi na... Sige, love you. Bye." (pagkababa ng phone) "Nyeta, nagpapasundo pa parang walang paa!"

- lalaking kausap sa cell ang kanyang nobya na walang paa.


Yun lang, di ko na kasi na-alala yung iba.

Pero masarap pala mag-bawas sa shangrila. hahahaah...

Monday, November 20, 2006

sa wakas, terrific, boots

mga chong at chang.
matagal na akong dehins naka-lat-su todits.
pero heto na ako ngayon.
humihingi ng paumanhin.

maraming nangyari, nangyayari at mangyayari sa buhay ko.
bukas, dadating si rengky mula sa pinas.
regalo sa akin ng aking wis-hart, gawa ng berday ko.
mahal pala ako non.

dali dali akong naglilinis ng haybol.
pero eto, break-time muna, konting saglit sa blag.

mga naka takda:
1. bisita sa magulang
2. maasikaso ang hadlang sa aking utak.
3.baybay-dagat
4.lakwatsa

naku- ayan na ang kalembang...
oras ng bumalik sa paglilinis.
hanggang sa muli.

Tuesday, October 24, 2006

Silva!


Pulp-bits!

Haberday Chong--sagot ko pulp-bits--yung tunay ha, hindi langaw.

Thursday, October 05, 2006

Ang Longanisa Lover











Dahil may nabighani sa isang manunulat
(na na kaladkad sa ilocos ng isang viajerang kiti-kiti),
dagsaang dami ng longanisa ang napala ng mga taga-kamias.
Ito ay dahil sa isang Henry Arce ("inre").
Nag-rereklamo na ang mga pasahero ng
Farinas Bus Company, dahil sa kahon-kahon ng longanisa
na kailangan nilang ikandong pa luwas ng maynila.
O, pag aybig nga nama 'ay-
kay tamis,
kay sarap...lalong lalo na pag may suka at kamatis.

Maligayang Bati sa Iyong Kaarawan!
ikaw ay parang tala, sa umaga.
kung tanawin ay naka-liligaya
kay ningning na tangi at dakilang ganda!

Friday, September 29, 2006

Well...We're Back in the City!

Tay! (laki kasi eh)
Look at that dowg!
Coreeeeeeeelle...
Because of Velayo eh!
Normal ka pala! normal!
Puti...
Bavarian cream.
All you care about is jazzzzzzzzzzzzzzz.
Now, I can die happy.
Tabe dyan!
Makaryo o.
Pagsapit ng dilim....
...bigyan nga yan ng toilet paper!
Jamessssss....
I think I'm dying!
I think I broke my leg!
Is chesca the youngest?
Na suesuenoge ang kaypitbahay: I beg your pardon?
Join us?
I've been around.
Celica lipback
I don't know eh. (tenunenunenuneh-nunenune..)
Don't we have any dainty cups?
Sapakin kaya kita?
Baka tutukan ko siya ng porty-pibe...
I love them!
Laban! Laban!
All of me!
Kalatogpukpok.
(mouthing out ) "I fell! " (gasp gasp) (from the rope swing )
Been there, done that, been poisoned...

Speaking of which, si Jose Rizal , dahil sa lubhang dugo na tumatakas sa kaniyang puet, ay kailangan na ma-check.
Dadalhin sa hospital bukas ng maaga para ma colonoscopy at endoscopy.
Si padreng Tik ang maghahatid sa kaniya ng ala 5:45 ng umaga.
Bukas ito, sept,29.
Kung puede lang mahiram ang na-salita ng isang Dolores Abaya:
say mo doctors ko psychiatrists...
Ang hirit naman ni Pegs ay : say ni ayo, driver niya cardiologists!

Maiba tayo.
etong si Tik, hindi niya ako pinapansin.
ang sabi ko, pareho siya at ang diyos.
Ang Diyos, pinaniniwalaan kahit hindi nakikita.
Si Tik, pinaniniwalaan yung pag-ibig, kahit hindi ko nararamdaman.
Hindi siya tumitingin sa aking mga mata.
Hindi siya nakikinig sa akin.
Pero ang sabi niya, mahal niya ako...
kung hindi daw, imamaneho ba niya etong si koyakot na kay aga aga?

Alam ko to. Pero sana naman hindi kailangan dumugo ang puet ni koyakot
para makapagpahiwatig ng pag-ibig etong si pareng Tik sa akin.
Pawang kawawa naman yata ako.
Di bali...bukas, luluhod din ang nga tala!

Kurdapya-on-Lunesta