ewan ko kung bakit ba ganyan, damdamin ay 'di maintindihan...kailangan ng pagibig mo... dahil sa ako'y nagmamahal sayo... magmula ng kita'y makilala.


Wednesday, February 14, 2007

'te para sa 'yo


'te,
naaala mo yung itim na kamiseta na ibinili mo para sa akin noong bagong dating ako dito?
($19.99 Express)
salamat.
salamat din na inasawa mo si pareng makalilif, dahil kung alaws ka sa tate,
de hindi lumipat dyan ang ating mga magulang at sakalukuyang naging nene pa ako kahit damatands na
(sa makatuwid, hindi ako nakapag-wild ng husto--at baka hindi ko nabingwit si pareng tikboy)
salamat sa dahil na-una ka (kasama nila), nag ka lakas loob tuloy ako.

kung tutuusin mo, kung hindi dahil sa iyo, baka hindi ako nalagay sa aking kalagayan ngayon.
teka, mabuti ba 'yon?
(dyok onli tikboy)

3 comments:

pulang-gubat said...

Tutuo yung sinabi mo. Si Ate mo ay napaka matiisin at mapagbigay. Nuon nakatira kami sa kanya,(8 taon
nakita namin ang kasipagan niya.At kahit na kailan, hinda namin na "feel" na kami ay nakakaabala sa kanilang buhay. At ang kanyang asawa naman ay napaka bait din sa amin. Maraming salamat sa inyong dalawa.

pulang-gubat said...

Si Daddy ito ngayon.. hindi ko alam na ang Mommy ninyo nagiging bantug sa sariling wika natin.. kung kay ang pinaguusapan.. Ang aking mga sasabihin ay naka-ka tunay ng aming puso.. sapagkat ang mga sinabi mo tugkol kay Charissa at Karen, ay napaka ganda.. sa nilalabi ng aming buhay, sa aming pagharap sa takip silim namin, ay nananariwa na namang ang katamisan ng aming buhay... salamat sa inyo mga anak.. salamat sa kaibuturan ng aming puso.. kami ay masaya.. at ang bawat tibok ng aming puso ay tila ba kumakanta sa kasayahan ng mga sinabi mo.. maraming salamat.. mga minamahal sa buhay...

Daddy and Mommy

Juan Podcaster said...

Cute photos... dapat ma-feature ka sa Nostalgia Bloggista ng Nostalgia Manila.