ewan ko kung bakit ba ganyan, damdamin ay 'di maintindihan...kailangan ng pagibig mo... dahil sa ako'y nagmamahal sayo... magmula ng kita'y makilala.


Wednesday, February 14, 2007

Ito lang Ang Akin


may sinabi ka sa aking noong pag alis mo noong disyembre.
ang sabi mo, napaka suwerte mo naman sa lahat ng napala mo noong biyahe mo.
para bang naiisip mo na nakakalamang ka na masyado sa relasyong ito.
ito ang aking pakay.

ang oras mo ay napakahalaga.
ginto.
(tingnan mo nalang ang iyong paligid, laging maraming umaaligid para makasawsaw sa iyong oras)
kaya kung maglalagay tayo ng presyo sa halos buong buwan na ibinigay mo sa akin:
-yung sakripisyong nahiwalay ka sa iyong pamilya.
-nakaladkad ka kung saan saan dito.
-nakapag-usap tayo ng masinsinan.
-nakilatis natin ang buhay.
-nabigyan mo ako ng lakas loob.
-nabigyan mo ako ng lubhang kasiyahan.
-tapos hindi pa tayo nag-away--
patas lang tayo.
walang lugi at lamang sa ating pagkakapatid.







sana ganito rin ang mapala nina kika at gabi.

2 comments:

pulang-gubat said...

sAPALAGAY KO, GANYAN DIN ANG MANGYAYARI SA DALAWANG ANAK MO. nAKIKITA KO NA A SILA'Y NAGMAMAHALAN AT MAGANDA ANG SAMAHAN NILA. kAYA HUWAG KANG MAGAALALA. aT IPAGDASAL MO ARAW-ARARW SILA.
mAHAL NA MAHAL KO YANG MGA BATANG YAN.

dodong flores 도동 플로오리스 said...

Hi, Tsiska! Hindi nagdamo ang iyong mukha. Mula ng bata ka hanggang ngayon, ganon pa rin ang iyong itsura :)